Malapit ng mag-alas singko ng hapon. Ako lang mag-isa ang maglalakbay ngayon pauwi, dahil ung tatlong kasabay ko eh may ibang gagawin. Yung isa maagan umuwi, yung isa bibilhin yung pinaka-inaasam-asam niyang Gaara Bag, at yung isa naman, nag-DotA. Sasama sana akong mag-DotA, kaso kahit gusto ko, pinapauwi ako ng maaga.
Pagdating ko sa corner ng Padre Faura at Taft Avenue, ang daming tao. Maliban sa rush hour na, mahaba-haba ang bakasyon dahil holiday sa Lunes. Sa totoo lang, hindi ako masaya na mahaba ang bakasyon dahil TUTOL AKO SA HOLIDAY ECONOMICS. Ano pa'ng halaga ng isang holiday kung naililipat din naman ang mga ito? Isipin mo na lang yun. Magpasalamat tayo hindi pa sinusubukang ilipat ang petsa ng Pasko at Bagong Taon.
Dahil na rin sa pagkainip, sinibukan kong maglakad papuntang UN. Ngunit pagdating ko doon, hindi pa rin umuusad ang mga sasakyan. Kung sa kalsada ka lang titingin, aakalain mong tumigil ang mundo dahil walang paggalaw na nangyayari.
Umabot ako sa Kalaw. Wala pa rin akong masakyan. Lahat ng makita kong bus ay puno at overloaded na. Habang naglalakad ako, nabaling ang atensyon ko sa mga ilegal na tindera sa sidewalk, mga batang nagtitinda ng yosi, mga naglalako ng basahan, mga namamalimos sa daan, pati na rin ang maduming usok ng mga sasakyan,mga dumi sa daan, baradong mga kanal, at maingay na kalsada. Muli, napukaw na naman ng mga sitwasyong ito ang aking pag-iisip. Sawa na ako sa mga problemang ito. Ang mga isyung ipinipresenta ng kasalukuyang panahon ay hindi biro. Kawawa ang ating kapaligiran. Kawawa ang ating mga kababayan. Kawawa tayo. Kawawa ang ating bansa. Kawawa ang Pilipinas.
Kahit masakit na ang aking mga paa, nagdesisyon akong maglakad. Umabot na ako sa Luneta.
Ang sakit talaga ng mga paa ko. Paano pa kaya yung mga nagbabantay kay Rizal? Ang tagal na nilang nakatayo.
Matagal akong naghintay. Naglakad pa ako ng kaunti. At sa wakas, napagbuksan din ako ng pinto! Pag sakay ko sa bus, medyo gumaan ang pakiramdam ko. Yes! Makakauwi na ako. Kaya nga lang, anong oras? Malapit ng mag-alas sais i medya ng makasakay ako. Siksikan na sa bus.
Naging matagal ang byahe. Mabagal talaga ang pag-usad ng mga sasakyan. Mabagal ang pag-usad ng bus. Wala nang magawa ang drayber. Gusto man niyang magsakay, eh, puno na talaga.
Pasahero 1: Manong naman! Puno na yung bus pasakay pa kayo ng pasakay eh!
Drayber: Palibhasa nakaupo ka eh! Paano yung mga walang masakyan?
Pasareho 1: Eh paano naman yung mga nagsisiksikan dito? Palibhasa wala ng nanghuhuli ng overloaded na bus eh.
*Tumahimik*
Drayber: Bigayan na lang tayo.

Matagal bago kami nakaalis ng Taft. Ilang sandali lang, sumakay ang isang empleyado ng Tas Trans. Tawagin natin siyang Manong. Madami akong natutunan habang nakikinig sa usapan nila ng Drayber.
Manong: Oh kumusta?
Drayber: Ay, ang trapik.
Manong: Oo nga eh. Naglakad lang ako mula Makati.
Drayber: Oh? Oo nga. Wala kang masasakyan kung hindi ka maglalakad eh.
Manong: Oo. Ang sakit nga ng dibdib ko eh.
Drayber: Itawa mo na lang yan. Trapik kasi may nagrally kanina.
Manong: Ang hirap kasi ng buhay ngayon. Sana may nangyayari pag nag-rarally ang mga tao.
Drayber: Palagi na lang walang pera.
Manong: Walang pera?! Araw-araw kang nagbiyabiyahe...
Drayber: Hindi naman yun sapat eh.
Manong: Wala ka pang asawa di ba? Mag-asawa ka ng Koreana.
Drayber: Haay. Kung mag-aasawa ka sa panahon ngayon, kailangan mo ng Php 150,000.00 Manong: Kaya nga Koreana ang dapat mong mapang-asawa eh.
Drayber: Sabagay..

oOo
Mahirap nga ang Pilipinas pero matatalino pa rin ang mga Pilipino.
Una, ang pagrarally. Alam nating ipahayag ang ating saloobin. Kumikilos tayo kung gusto natin ng pagbabago. Ngunit nagbibingi-bingihan ang pamahalaan kaya't wala tayong nakikitang pangyayari.
Ikalawa, mapamaraan tayo. Dahil sa kahirapan, natututo tayong gumawa ng sariling solusyon upang matakasan ang karalitaan. Ang pag-aasawa ng mayaman. Isama mo na rin diyan ang pag-aabroad ng karamihan. "Mahirap ang bansang iyong kinalalagyan. Kung ayaw mong maghirap umalis ka." Iyan marahil ang pinakamabilis na solusyon. Pero MALI! Hindi kailanman naging solusyon sa isang problema ang pagtakas dito.
At ikatlo, kahit maraming problema, idinadaan na lamang natin ito sa pagtawa. Oo nga naman. Wala rin namang maidudulot sa iyo ang pagsimangot. Kaya pare, SMILE :)

Nakatayo ako sa buong byahe. Pagbaba ko ng bus, ang hirap maglakad! Leche! Ang sakit ng spinal column ko. Para akong diabled kung maglakad. Haay. At pagdating ko ng bahay, walang tao, ako lang mag-isa. Pero ayus lang, dahil makakapagpahinga na ako. Mahaba-habang tulog ito.
oOo
_ms. maingay :)

No comments:
Post a Comment