isang bigong payaso na may ngiting
ni hindi dadapo kahit na sandali
sa pagsamoy ng aking isip sa gabing madilim
heto na naman ako, lunod sa muni-muni
umaga na pala at hindi ko namalayan
ang pag-agos ng ulap at paglakad ng buwan
kanina pa ako nakatitig sa bintana
ngunit ni isa, wala, wala akong nasilayang tala
tulad mo na hinahanap ko
talang minamasdan, sana ay 'di naglaho
hindi ko man makuha, sapat na ang tingin
sapagkat doon lang ito nagiging akin
paghihintay man ay nakakayagit
hindi ko pa rin ipagpapalit
alaala ng kahapong lumipas
ni hindi ko man nahagip, kaybilis ng oras.
babalikan ko pa ba?
may babalikan pa ba ako?
nariyan ka pa ba?
ikaw ba ang hinihintay ko?
_cybelo08a

No comments:
Post a Comment