This site is under construction.

Please visit my tumblr or follow me in twitter (@joanneskywalker) for updates. Thanks!

Wednesday, July 23, 2008

anak, mag-aral ka!

"Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung 'di mo pagtitiyagaan, anak, limampung dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi."

-Mang Justo, MacArthur by Bob Ong

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Kung bakit iyan ang intro ng blog ko, marahil, resulta ng pagiging mapanuri ko ngayong mga nakaraang araw. Siguro, naging matagal bago ako muling naglagay ng post gayunpaman, hindi pa rin ako nagbago.

----------------------------------------------------------------------------------------------------

SCENE NO. 1

kevin: joanne, tara, DotA!
ako: sige, mamaya, sasama ako.
ron: sige, aantayin kita ah.

pagkatapos nilang mag-lunch...

kevin: joanne, hintayin ka namin.
ako: huwag, susunod na lang ako.
ron: sige, hihintayin ka namin ah, pumunta ka.

pagkatapos ng lunch...

cia-cia: joanne, mamaya pupunta kami ng national library, sama ka ba?
ako: ahh?
jessica: gagawin namin yung outline ng project natin sa history.
ako: sasama ako. HINDI NA AKO MAGDO-DOTA.

LESSON: Unahin ang pag-aaral bago ang DotA. Kahit gustong-gusto ko ang DotA at kinamumurian ko ang subject na history, mas pipiliin ko na yun dahil hindi naman kaya ng konsensya ko na habang tuwang-tuwa ako sa pagdoDotA eh hirap na hirap ang mga kagrupo ko. ako pa naman ang representative ng group namin o parang yung leader-slash-alipin-slash-utusan. kaya ayun, sa library ang direto.


-oOo-

SCENE NO. 2

Pagkatapos naming gawin ang outline namin sa history, umuwi na ako. Wala akong kasabay ngayon.

konduktor: ticket po jan, ticket. ma'am san po kayo?
ako: sa casimiro po, galing faura, etudyante.
konduktor: Php 33.00 po.

ilang sandali lang...

manong 1: o spacial po o. spacial.
ako: [*nag-iisip* anong spacial?]
manong 1: o spacila chicharon o. may laman, may laman.
ako: ahh! [*naliwanagan*] SPECIAL pala! :)

manong 2: o, mani, kasoy, sinangag lang, walang mantika. (repeat 10 times. pag walang bumili, ulitin mo. pag wala pa rin, lipat na ng bus)

manang 1: o, tubig malamig C2 sampu lang.
ako: pabili po ng C2.
manang 1: bente po.
ako: akala ko ba sampu lang?
manang 1: tubig po yon.
ako: [*uhaw*] sige, pabili po ng isa.

manong 4: o, mani, kasoy, sinangag lang, walang mantika.



Inulit niya ito ng maraming maraming beses. Lumakad siya hanggang sa likod ng bus, bumalik sa harap, at tsaka bumaba. Walang bumili. Pag baba niya, dumungaw ako sa bintana. Nakita ko ang itsura niya. Lukot ang mukha. Parang yinurak-yurakan ang pagkatao. Dahil na rin siguro sa walang benta at mainit na panahon. Pagkatapos noon, inikot ko ang aking mga mata. Nakakita ako ng iba pang katulad niya. Mga lalaking may dalang timba na many lamang mani o kasoy, o di kaya ay tubig. Kung minsan ay may kasamang crackers o banana chips. Naroon sila, nagaabang ng bus na maaaring pagbentahan ng kanilang mga paninda.

Hindi ko alam kung bakit masyadong malaki ang simpatya ko sa mga taong ganito. Sa mga konduktor at drayber ng bus, at mga tindero't tindera. Isama na natin ang mga nagtitinda ng basahan, mga nagpupunas ng salamin at mga nagtitinda ng sampaguita sa harap ng Quiapo o Baclaran.

Naiisip ko lang kasi. Paano sila nabubuhay sa ganoon? Sabihin na nating kumikita sila ng 100 sa isang araw. Sapat ba iyon upang tutunan ang kanilang mga pangangailangan? Paano nila mapagkakasya iyon sa kanilang pag-kain, tubig, bahay, pag-aaral at iba pa. Kawawa naman sila. At ang mga anak nila. Nahihirapan sila ng husto siguro. At ang mga magiging anak nila? Hirap ang daratnan. Sa ganitong kalagayan, paano na ang buhay nila?

Naisip ko, kung nakapag-aral ang mga magulang nila, may mas maganda silang trabaho ngayon. Mas maganda dahil mataas ang sweldo at trabaho iyon ng mga nakapag-tapos ng kolehiyo. Hindi na sila maghihirap.

Kaya naman, lalo ko nang pagbubutihan ang pag-aaral ko. Ayaw kong dumagdag sa ilang milyong Pilipinong naghihirap dahil sa hindi sila nakapag-aral. Sabi nga ni Mang Justo sa MacArthur na akda ni Bob Ong, "Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung 'di mo pagtitiyagaan, anak, limampung dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi."





_ms. maingay :)






No comments: