This site is under construction.

Please visit my tumblr or follow me in twitter (@joanneskywalker) for updates. Thanks!

Tuesday, September 16, 2008

how do you escape reality? face it.

Kanina habang nakasakay ako sa bus, wala akong magawa. Ngunit napukaw ang aking atensyon sa telebisyon. Koreanovela, Channel 7, mga 4-5 pm ipinapalabas. Nakalimutan ko na yung title. Heto yung natandaan kong dialogo nung isang babae:

"Gusto ko siya. Sa kanya lamang umiikot ang mundo ko.
At alam niya iyon.
Ngunit sa paglipas ng mga araw tila inilalayo niya ang kanyang mundo. Akala ko mananatili ang dati naming samahan bilang
magkaibigan, ngunit hindi pala,
dahil naghahangad ako ng higit pa.
Habang tumatagal ay nararamdaman kong lumalawak ang pagitan naming dalawa.
At ang masakit, ay nakikita ko siyang masaya kasama ang iba.
Na sa tuwing pagmamasdan ko sila'y tila gumuguho ang aking mundo. Kaya naman habang maaga pa ay lalayo na ako. Habang maaga pa ay iiwasan ko ng lumalim pa ang damdamin kong ito. Ayaw kong magbulag-bulagan sa katotohanang
hindi niya ako sasaluhin kapag ako ay nahulog..."



Aww. Ang lungkot naman nito. At ang nakakatawa pa, talagang naging interesado ako dito. Bakit nga ba naman hindi?

Tama nga naman siya. Mahirap na makitang may kasamang iba ang taong mahal mo. Mahirap tanggapin na kahit anong gawin mo ay hindi siya mapapasaiyo, na sa mga pagkakataong magkasama kayo ay iba ang iniisip niya. Mahirap dahil habang iniiwasan siya ng isipan mo ay patuloy siyang hinahanap-hanap ng iyong puso. Mahirap kung hindi niya maramdaman na mahal mo siya. MANHID. Na nasa harapan na niya ay di pa rin niya makita.

Ngunit ang paglayo nga ba ay isang solusyon? Ang pagtakas ba mula sa realidad na ito ay papawi sa lungkot at sakit? Sa tingin mo?

oOo




_ ms. maingay :)
[ako yun]

P.S. HiNDi iTO PARA KAY "PAST" NA MAY "PRESENT" NA NGAYON. :D
PEACE OUT. <3


1 comment:

Anonymous said...

Feel good......