This site is under construction.

Please visit my tumblr or follow me in twitter (@joanneskywalker) for updates. Thanks!

Friday, October 10, 2008

My First Semester in College

It has been more or less four months since I first entered the portals of UP Manila. And in a week or two, the first semester of my college life would end.

I might be exaggerating things. But the firsts are really unforgettable. It is the first sem of my first year in the first-ranking university in the country. Umuulan ng firsts. But honestly, it was unforgettable.

I am proud that I am in Bloc 11 Biochemistry Batch 2012. When I entered UP, I have no friends. I have no idea on how will my life be without companions. But God gave me the bloc. He gave me 39 individuals who will be not only companions, but friends.

Ang dami kong natutunan. Sa totoo lang, wala akong pinagsisisihan. May mga oras na sa halip na mag-aral ako ay nagdoDotA ako sa Paksnet sa may UN, nakikipagkwentuhan sa harap ng room, natutulog sa library, namamasyal at iniikot ang buong Robinsons, nagdadance-dance-revo sa Tom's World, nagbibitchy talk tungkol sa kinaiinisang bloc mate, nagcoconference sa YM, at iba pa. Pero lahat naman ng mga moments na ito ay nagpapatibay at nagpapasaya sa akin.

Mahirap ang buhay ng isang ISKOLAR NG BAYAN. Sa totoo lang, ngayon pa lang nagsisink in sa akin ito. Na tiga-UP ako. Maroons. Isko at Iska. Matatapang. Matatalino. Walang takot kahit kanino. Toxic. Nosebleed. Pero masaya. Kumbaga, package deal ang pagpasa mo sa UPCAT. Astig. Malaman lang na tigaUP ka, may yabang factor na. Minsan nga 'pag suot ko yung ID ko sa bus tapos may mga estudyante na galing sa mga university na itatago natin sa pangalang UST, DLSU, St. Paul, Women's at iba pa, iba yung tingin sa akin. Kapag nakita nila yung lanyard na may nagsusumigaw na UNIBERSIDAD NG PILIPINAS, parang hands down agad. Pati yung konduktor, drayber, pati yung mga nagtitinda ng kasoy, mani, c2, tubig, mineral, crackers at pugo.

Sa unang semestre ko, marami akong nakilala. Syempre, unahin natin ang mga professors. Iba-ibang klase sila. May mga bata pa na crush ko pa nga, may mga tama lang yung edad, may mga matatanda-slash-gurang-slash-thunders na, may nakakatawa, may magaling, may nosebleed magpa-exam, may nakakaantok, may nakakainis magturo. Lahat ng klase.

Heto ang mga naging professors ko:

Ma'am Avegail Carpio (Comsci10) - Mabait si Ma'am. Palagi siyang late. At itinuturing ko itong kabutihan dahil 7:00 am ang pasok namin at galing pa ako sa Las Pinas. Madami naman akong natutunan sa kanya - HTML, Javascript at CSS.
Favorite Memory kay Ma'am: Nung pagkatapos namin magpresent ng project, kinopya niya sa USB niya. Sabi niya, na-inspire daw siya.

Sir Alexis Villaflor (Math17) - Ayos magturo si Sir Lex. Kahit mahirap ang Math17, parnag ang dali lang pag nagtuturo na siya. Tapos nakakatawa pa ang discussion lalo na kapag nagjojoke siya.
Fondest Memory kay Sir: Yung naligaw siya sa Rob, yung mga tawag sa CHEVER niya, wung sabi niya na, "Mejo galingan ninyo sa exam mamaya ha."

Sir Jerome Ong (Histo1) - History is bullshit....para sa akin dati. Ni katiting ay hindi ko naappreciate ang histo ung elementary at hayskul. Ngayong college lang. At lahat ng iyan ay dahil kay Sir Ong (naks). Ang saya ng mga klase kay Sir dahil ginagawa niyang fun ang boring na subject.
Punchlines ni Sir:
-"I am scared" - katipunero
-"E for E.coli"
-Luna as first-grade face slapper
-Pigafetta as the first emo
-"Hello. Corrupt po kayo." - dapat mong sabihin pag tinawagan mo ang governor.
-AT MARAMI PANG IBA

Sir Kiko de Guzman (Philo1) - Unang klase pa lang namin sa Philo1, gusto ko na si Sir. Haha. Oo crush ko si Sir. Pati naman si Sir Jerome at Sir JPaul. Iba kai yung charisma nila eh. Yung bang masisigurado mong may matututunan ka. Oh well, highest ako sa exam niya! :))
Favorite ko kay Sir: Yung conyo language niya, yung pagiging bitchy niya (na nasa lugar), at yung everything about the debate. At yung sabi niya na, "I didn't wear yello for the fun of wearing yellow."

Ma'am Elisela Vitriolo (SocSci1) - "Quote and Quote", "And so forth and so on", at "Et cetera et cetera" - mga favorite quotes ni Ma'am. Naappreciate ko si Ma'am. Grabe. Ang saya ng class sa kanya! (?) Tapos madami din akong natutunan.
Natutunan ko kay Ma'am: Makinig at huwag matulog sa klase :)

Sir JPaul Manzanilla (Comm1) - Hands down ako sa prof na ito. Maliban sa hyponymy, word collocation, word roots, levels of abstraction, precis, paraphrase at outlining, madami pa akong natutunan sa kanya. Lalong na-enhance ang writing skills ko sa subject niya. At the best din ang class sa kanya dahil sa mga jokes niya.
Favorite memory kay Sir: Yung farewell party. Nagdala siya ng 2 boxes ng Yellow Cab Pizza, tapos biochem nagdala ng drinks, tapos nagdala ng donut yung socsci.

Ma'am Analyn Flores (PE-Street Dance) - Super favorite ko ang street dance. Syempre dahil mahilig ako sumayaw. Super nageenjoy akong sumayaw sa SSWC. Hindi lang dancing itself yung tinuro ni Ma'am. Pati discipline, cooperation, coordination at iba pang values.
Favorite ko: Yung dance recital namin. Gonna miss STD.

Sir Lee (NSTP-CWTS) - Hndi namin masyadong nameet si Sir Lee dahil once a week lang ang CWTS. Pero nakakainspire siya dahil ang TALINO niya. Magiging professor ko din siya sa mga majors ko sa mga susunod na years.

To be continued...

P.S. Medyo inaantok na ako eh. Dadagdagan ko ito. Abangan ang part 2 re: bloc 11 :)








No comments: