This site is under construction.

Please visit my tumblr or follow me in twitter (@joanneskywalker) for updates. Thanks!

Wednesday, June 25, 2008

block 11 masculines :D

Today's Wednesday. Actually, we do not have any definite schedule yet for our NSTP (something prerequisite for college students, as stated in the law blah blah blah) but we were asked to go to school since the profs aren't responding. Also, it's the audition day for Mr. and Ms. Freshie and the block's representatives are zab and jap. Of course, we cheered for them while they were dancing and answering questions. Sigurado pasok yun, Go lang ng Go!

Pagkatapos ng audition, nagpunta kami sa, sabay-sabay nating sambitin nga kaibigan, ROB. (Saan pa nga ba?) Naglibot lang kami ng naglibot hanggang sumakit ang mga paa namin kaya naisipan naming maghanap ng upuan. Ngunit sadyang pinagkaitan kami ng tadhana. Nakarating na kami sa food court, galing sa midtown, ngunit wala pa ring upuan kaya dun kami umupo sa steps. Tapo lumapit yung guard sabi sa amin, "Excuse me, bawal jan!"

Pagkatapos niyang sabihin iyon, para kaming mga batang pinagkaitan ng kendi. So, ano pa nga bang magagaawa namin? Naisipan na lang naming tumambay sa library. Malamig na, tahimik pa. Very conducive for sleeping. At dagdag pa, mukha kang matalino. At least di ba, naglilibrary kami.

Pagdating namin dun nina ciacia, marj at aj, nadatnan namin si peter, si marly niya, gem at dame. Kwentuhan. Kwentuhan. At kwentuhan. Hanggang natira na lang kaming mga girls. Yung dalawang "guys" umuwi na. At hindi ko alam kung bakit napunta kami sa ganitong usapan: SINO ANG MGA TOTOONG LALAKI SA BLOCK 11 BIOCHEMISTRY?

Sa totoo lang, naniniwala kami (ako, ciacia, marj, aj, dame, gem, jessica, at iba pa...) na swerte ang block 11 sapagkat naririto ang mga kalalakihang pinagkalooban ng kagandahan ng mukha. in short, may mga lollipop na. Hindi ko pa masabi kung may hipon o sabaw. O "left-over" lang.

Kung isa ka sa mga ka-block ko at ikaw ay babae, naway maintindihan mo kung bakit namin ito nagawa. Kung isa kang kaibigan-slash-kaaway-slash-wala lang na mambabasa, pasensiya ka na kung hindi mo masyadong masasakyan ito.

At siyempre, sa mga kablock kong lalaki, ang mga sumusunod ay pawang opinyon at personal na interpretasyon lamang. Huwag niyong dibdibin!

Ayon sa aming mga opinyon:

Mr. GM
RASON: tahimik, ngunit nasa loob ang kulo. mahilig maglabas ng nararamdaman sa text. sa sangkatutak na gm.
Mr. Earphone
RASON: mukha namang lalaki.
Mr. Street Dancer
RASON: malapit sa babae, malambot kumilos
Mr. Soft-spoken
RASON: malambot kumilos, makembot maglakad, mahinhin yung boses.
Mr. Tall, Dark and ewan.
RASON: hindi masyadong nakikita, kaya kapag iniimagine, mukha namang lalaki.
Mr. Nerdy
RASON: Palagi namang x plus y ang sinasabi o kaya naman ay nagpapaliwanag kung bakit nahulog yung apple kay Isaac Newton.
Mr. Quizzer
.
RASON: itsura pa lang lalaki na: isipin mo, malapad ang katawan..., bagamat maingay. matalino naman.
Mr. Soft-spoken # 2
RASON: kahit mahina ang boses, mukha namang lalaki.
Mr. Derogatory Texts
RASON: maingay sa klase, malapit sa babae. pero malakas naman ang loob na aminin ang mga kahinaan.
Mr. Approachable
RASON: madaling kausapin, palaging nakangiti.
Mr. Eyeglasses
RASON: childish daw ang kilos
Mr. Leader-slash-singer-slash-etc.
RASON: obvious naman. maingay. palaging kumakanta.
Mr. Tuna
RASON: parang si Mr. Quizzer, nagkakaintindihan sila eh.
Mr. Silent
RASON: kapareho ni Mr. GM, malapit din sa babae.



Bahala na kayong hulaan kung ino iyang mga iyan.


ATENSIYON:
Ang mga impormasyon sa itaas ay PAWANG OPINYON lamang.
Ang mag-react GUILTY!

Basta sa Block 11, Go lang ng Go! Kaya natin 'to!



_ms. maingay :D




No comments: