And I see him again. There he sat on the corner, nice and neat in his simplicity. The way he smiled at me sent shivers down my spine. He is my blockmate.
---------------------------------------------------------------------------------------------------
*janjararan*
Oopsie! Hay, bago tayo tumuloy kung sino nga ba ang nagpapanginig sa spinal column ko, gusto ko lang ishare: "Wisest is he who knows he knows nothing." Sinabi iyan ni Socrates. Bagaman marami ang nagsasabi na pangit daw siya, bilib pa rin ako sa kanya.
Sa totoo lang, ngayon ko lang siya na-appreciate. Pati na rin i Plato. Kasi dati, ang alam ko lang ay nag-eexist sila at wala na akong pakialam. Hindi ko alam na marami pala akong matutunan sa kanilang dalawa.
Adlib lang, paano ba sasabihin ang Socrates? Sok-ra-tes? Sok-reyts? Oh tulad ng narinig ko na Sok-ra-tis? Eh ang Plato paano? Ang orihinal na pagbigkas ko diyan ang yung parang pinaglalagyan ng pagkain. Pla-to. Pero ayon rin sa narinig ko, Pley-to daw siya. Pinalandi sabi nga ng blockmate ko.
Anyway, marami pang Philosophers na magagaling. Kung gusto mong matuto mula sa mga aral nila, magsaliksik ka na lang sa internet, library o kaya ay bumili ng mga libro. Kung ilalagay ko pa kasi dito sa blog ko, baka pudpod na ang mga daliri ko ay hindi ko pa nasasalaysay kung bakit guwapo si ****. (Ayan, may huhulaan at iintrigahin ka na naman tungkol sa akin)
Bilang pagtatapos, nais kong pag-isipan mo ito. Nakakahaba nga ba ng buhay ang pansit? Bakit nga ba pinaniniwalaan natin ito? Dahil ba mahaba ito? Bakit hindi spaghetti? Bias ba tayo sa mga Tsino?
(Pasensya na. May prayer meeting kasi at pancit ang handa.)
Thursday, June 26, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment