I just woke up. I...
Naku. Mahirap lagyan ng intro na sa Ingles ito. Sa totoo lang, bangag pa ako dahil kakabangon ko lang. Ang natatandaan ko, kumakain ako ng gummy bears tapos...ayun! Nakatulog ako. Iniisip ko tuloy na baka sleeping pills yung mga gummy worms na yun. Nakatulog ako agad eh.
Yung gummy bears, parang gummy worms din. Nakalagay sa pack, Gelatin de goma/Doce de gulaman. Actually, maliliit silang candy na malambot, parang gulaman na parang goma, iba-iba ang kulay, at hugis oso.
Kung ano man ang misteryo sa mga gummy bears na ito, hahayaan ko na lang. Dahil nagpapasalamat din ako sa kanila at kahit sa panaginip nakasama ko SIYA. Masaya kami. Nandun ang busilak na kasiyahan, hindi pilit ang kanyang mga ngiti.
Kung ano pa man, salamat sa mga gummy bears. :D
_ms. maingay
Saturday, June 28, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment