This site is under construction.

Please visit my tumblr or follow me in twitter (@joanneskywalker) for updates. Thanks!

Friday, June 27, 2008

kung bakit ako nagblog ngayong araw :)

Pagmulat ko ng mata ko, mukhang maliwanag na! Ahhh! Pagtingin ko sa cellphone ko, 4:28 am pa lang. Di pa tumutunog yung alarm na pang-5:00 am. Oo, O.A. lang ako. Inaantok pa ako dahil napuyat ako sa report namin sa Philosophy. Kabadong-kabado ako dahil unang beses ko 'tong magrereport sa talambuhay ko sa kolehiyo.

Nagmadali ako. Yung normal na takbo ng umaga ko na tupi-ng-kumot-idlip-ligo-tunganga-kain-tunganga, ay namodify. Kung paano, hindi ko na matandaan. Basta nagmamadali ako.

Sa bus, unang sakay: hindi ako kasya. puno na. Ikalawang sakay: walang laman. Mabagal. Bumaba ako. Ikatlong sakay: Medium lang. Halos puno.

Sa loob ng bus, praktis ako ng praktis dahil sa kaba. Naging overprotective pa ako sa mga drawings at materyales na gagamitin namin para hindi malukot. Tapos heto na. Nasa Padre Faura na ako. At papunta na ako sa silid namin...

Pagpasok ko, naroon na ang ilan sa mga kaklase ko. Grand Entrance. Titig lahat sa kin.
Pag-upo ko...

kar: Blockmates, nag-text si Sir, No Philo for today, reporting on Tuesday."

LINTEK! Wala naman pala eh! Haay. Inis talaga ang naramdaman ko. Pero ayos lang. Ayos lang.
Pero hindi eh! Isipin mo, yung pinagpaguran at pinagpuyatan mong eye bags, mapupunta sa wala?! Arrgghhh!!! Hmmp.

Wala na rin akong magagawa. Wala ring saysay kung magreport ako at wala naman siya. Siya na dapat makinig. Si Sir Kiko. (Masyado yatang madrama.)

(Next scene: Sa library.)

Asahan mong matutulog lang ako. Halos apat hanggang limang oras lang ang tulog ko. At library ang pinakadisente at komportableng lugar para sa mga estudyanteng katulad ko.

Pero pagdating doon, di rin ako natulog. Nabaling na naman ang atensyon ko sa mga libro ng mga sikat na pintor kahit di ko kilala. Nagbasa din ako ng iba-ibang dictionary: English, Filipino, German, French at iba pa. Di ko na matandaan dahil hindi ko naman talaga sila maintindihan eh.

Pero ano nga ba ang saysay ng blog na ito? sa totoo lang. HINDI KO RIN ALAM. Pasensya na kung naabala ka pa sa pagbabasa. Siguro, nacurious ka lang sa title :)

No comments: