This site is under construction.

Please visit my tumblr or follow me in twitter (@joanneskywalker) for updates. Thanks!

Friday, May 8, 2009

kung hanggang tula lang ako
richard r. gappi


puting lapida itong pintong papel
tuwing dadalaw ka, nagkakapangalan
ang pangungulila, nahahawi
ang mga agiw na napagkit sa mga ukit.
tila umiingit na bisagra ang mga salita
kapag pinatutuloy ang mga ito;
sumisilip naman ang matalas na sinag,
tila balaraw na nilalaslas ang dilim
na nakalupasay sa sahig.
minsan, nagmumulto ang puntod.
pinangangatog ang tuhod.
ngunit muli akong ipapanatag
ng katotohanang nakapinid na
ang ngiti ng lugod,
nakahimlay na ang damdaming
nagpatibok sa puson.
sa ganitong tagpo, lalong
lumalawak ang giwang ng pinto.
sapagkat sa bawat katok ng mga salita
nauulinigan ko ang iyong
mga impit na halinghing at bulong;
sa bawat tulos ko ng taludtod,
pumapatak sa diwa ang malapot na gunita;
at kapag naitundos ko ang imahen,
nakukuyom kahit
ang balangkas ng inyong anino.
kaya unawain ako
kung ito lang ang kayang gawin.
sapagkat tula lang ang naaangkin.
at dito ka lang nagiging akin.



_cybele08a

No comments: